Epekto ng Computer Games : kabataan
Epekto ng Computer Games : kabataan
Ang
larong online ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng computer work. Ito ay
halos palaging gumagamit ng internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong
teknolohiya ang mayroon: modern bago ang Internet, at hard wired terminal bago
ang modern. Ang paglawak ng online gaming ay sumasalamin din sa pangkalahatang
pagbabago ng mga network na kompyuter mula sa maliit na lokal na network sa
Internet at ang paglago ng Internet mismo. Ang online games ay maaaring
sumaklaw mula sa simpleng texto na laro hangang sa mga larong may kumplikadong
grapiko at virtual na mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga online
games ay kadalasang mayroong online na komunidad, na nagpapakita na may malawak
na pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pang-isahang laro.Sa panahon ngayon,
madaming kabataan ang sadyang naadik sa paglalaro ng computer games. Sa
paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya
ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang madalas na
nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga
larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang
nakakamatay.May mga kaso sa ibang bansa tungkol sa mga negatibong epekto ng
paglalaro ng computer games, kinokopya ng mga manlalaro ang mga aksyon at
isinasabuhay ito, dahil sa sobrang paglalaro ng computer games naaangkop na
nila at ginagaya ang kanilang nakikita na lalong nagiging adik sila dahil sa
kaharasan. Marami sa atin ginagamit ang online games sa masasamang bagay
katuland na lamang ginagawa itong sugal ng iba,pinagpupustahan ito ng ibang tao
at meron din naman mga kabataan ang ginagamit ito sa pang bu-bully sa ibang
tao.Ang adiksyon sa paglalaro ng online games ay ang naglalayo sa mga kabataan
sa tunay na mundong kanilang ginagalawan. Mas binigiyan nila ng atensyon ang
paglalaro kaysa sa kanilang pag-aaral at pamilya. Base sa aking nabasa,ang
labis na paglalaro ng online games ay nagdudulot ng pagbaba ng grado ng mga
estudyante dahil mas pinipili nilang lumiban ng klase at maglaro na lamang ng
mga online games. Winawaldas din nilang ang kanilang mga pera upang ipambili ng
tinatawag na “Skin” o perang ginagamit sa ilang mga online games. Ayon sa mga
eksperto, ang paglalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras at kinakain nito
ang oras ng mga kabataan upang mapaunlad ang kanilang mga sarili at kanilang
pag-aaral.

Comments
Post a Comment