Epekto ng paninigarilyo : kabataan
Epekto ng paninigarilyo : kabataan
Ang
paninigarilyo ay isa sa mga kinahuhumalingan ng matatanda lalo na sa mga
kabataan ngayon. Maraming kabataan ang naiimpluwensyahan ng kaibigan, magulang
at mga nakakatanda. Dahilan ito para masira ang kanilang kinabukasan,
pagkakaroon ng lung cancer, throat cancer, skin diseaseat iba pang sakit na
naidudulot ng paninigarilyo.
Karamihan
sa panahong ito kabataan ang mas umaangat
sa paggamit ng sigarilyo. Sinasabi na “kabataan ang pag-asa ng bayan” pero sa
ngayon masasabi kung kabataan na ang dahilan kung bakit dumadami ang kaso ng
kremin sa ating bansa. Naaapektuhan ng paninigarilyo ang mga matatanda,
kabataan, at lalo nasa sa mga bata dahil sa second smoke. Dahilan din kung
bakit nila sinusubukang manigarilyo dahil sa pagka- ignorante, impluwensya, at
curiosity.
Senyales
mg mga taong gumagamit ng sigarilyo ay pagkakaroon ng maitim na labi, body
odor, bad breath, at pagkasira ng ngipin. Kailangan ng magkaroon ng batas para
dito upang mabawasan ang mga kabataang gumagamit nito.
(Ang
paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kabataaan ang kadalasang
gumagawa at gumagamit. Sa panahong ito, malaya ang mga kabataan na gawin ang
paninigarilyo kahit saan, at anumang oras. Ito ay nakakasama at maaari itong
magdulot ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng mga tao sa lipunan at nagbibigay ng
mga sakit sa ating katawan. Marami ng mga kabataan ang pumasok sa bisyong ito.
Ang paninigarilyo ay ginawa na nilang libangan o pampalipas-oras ngunit
maraming masasamang epekto ito sa kanilang kalusugan, pag-aaral, at pati na sa
pakikipag-ugnayan sa iba. Kabataan ang kadalasang biktima ng paninigarilyo.
Kahit hindi na guamagamit o gumagawa ang isang tao ng ganitong klaseng bisyo,
hindi maiwasanang mga dalang epekto nito sa kanya. Ang usok ng sigarilyo ay
naipapasa sa mga taong katabi ng naninigarilyo o tinatawag na second hand
smoker.)
(Ang
sigarilyo ay Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser, ang usok nito ay
naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at
kapaligiran, at ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito.)
Ayon
sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang
Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng
paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers
na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco
at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa
bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang
tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na
paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas. Ang paninigarilyo ay
isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Magastos ang
paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit
sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya ng ating
katawan. Ito rin ay nakamamatay.Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging
sa ating mga kaibigan kasambahay at iba pa.Ang paninigarilyo rin ay masama para
sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

Comments
Post a Comment